7 Questions with Selyum

 

We asked several of our employees who hailed from different parts of the region, and the country, about their mother tongue. We asked how difficult it was to move into a city where, amidst the diverse set of people, still primarily spoke Hiligaynon.

Kung ikaw ay galing sa ibang probinsya o lugar, anu-ano ang mga bagay na iyong ginawa upang makipag halubilo sa mga katrabaho?

“Upang mapanatili ang masaya at kaanyanyayang pakikipatunguhan sa aking mga kasama sa trabaho, kami ay nagkukwentuhan sa pamamagitan ng chat dito sa google o di kaya ay sa messenger.” – VMA Iffe, Wikang Filipino/Tagalog, Iloilo City

“Bukod sa pagiging palakaibigan importante rin na may respeto sa kapwa sa kung ano man ang katangian, kultura at paniniwala nito.” – VMA Niccie, Wikang Hiligaynon, Oton Iloilo

“Makisama ng mabuti at matutong mag respeto sa bawat isa.” – VMA Alvin, Wikang Capiznon, Roxas City

“Dahil sa banta pa rin sa ating kalusugan ang paglabas at pakikihalubilo sa maraming tao,  ang social media ay mainam na paraan upang manatiling konektado ang bawat isa. Ang group chat sa Facebook at Google ay nakakatulong sa paghahatid ng mga bagong kaalaman at balita na kailangan ng mga manggagawa. Ito rin ay daan kung saan maari tayong makipag palitan ng mga kwento at ideya.” – VMA Aubrey, Wikang Karay-a, Janiuay Iloilo

Malaking pagbabago ba ang ginawa mo upang makipag usap o makisalamuha sa iyong mga katrabaho?

Opo. Natuto akong umunawa na hindi lahat ng tao sa paligid katulad ng ugali o opinyon ko kaya kailangan maging bukas ang pag iisip at mapagpasensiya.” – VMA Melchie

“Opo. Pakikipagkaibigan sa mga katrabaho ko ay isang bagay na [tumulong para] maging komportable kaming pumunta sa trabaho araw-araw, lalong lalo na kung may mga bagay na kailangan naming magtulungan sa mga gawain.” – VMA Rachelle

“Hindi naman masyado kasi normal naman na makipag-usap sa iba kakilala man o hindi.” – VMA Erika

Anu-ano ang mga pagkakaiba sa mga paraan ng pananalita ng iyong kinalakihang lenggwahe sa nakasanayang wika ng iyong mga kasamahan sa trabaho? 

“Sa accent po karamihan ang pagkakaiba sa pag-deliver ng mga pangungusap.” – VMA Mariah

“Napapansin ko lang minsan na mas maalagain at madaling makaunawa ang taong kausap kapag banyaga sa isa ang wikang ginagamit. “ – VMA Junette

“Isa po sa napansin ko ay waring mas malumanay ang pagkakasabi naming mga taga-Bacolod sa iba.” – VMA Catherine

“Sa palagay ko naiiba ang mga diyalekto sa mga tuntunin ng tono, paggamit ng ilang mga titik, intonasyon atbp.” – Levie

Anong mga salita ang natutunan mo sa ibang wika na maikukumpara mo sa iyong kinalakihang pananalita?

Suya → Inggit sa Cebuano 

Halay → Sampay sa Hiligaynon / assault sa Filipino

Tuyo → Sleepy in Hiligaynon / dry in Filipino

lata → wilted in Hiligaynon / can in Filipino

titi → Breasts in Hiligaynon / penis in Filipino

– VMA Iffe

Tagalog → Hiligaynon → Akeanon- → Karay-a → Capisnon → English

  1. Ulan → Ulan → Uean → Uran → Rain
  2. Ngayon → Subong → Makaron → Tulad → Yanda → Now/ Today

VMA Aubrey

Didto, Doon, Tuya, Digto, Ato oh → There, Over there

Digya, Diri, Dini, Idya, Rigya → Here, Over here

– VMA Niccie

Hiligaynon: suga, higda, upod

Karay-a: sulo, batang, imaw

Filipino: ilaw, humiga, sumama

Ingles: light, lie down, come along

– VMA Junette

Ayam (Kinaray-a) → Ido (Hiligaynon)

Lasga (Kinaray-a) → Subay (Hiligaynon)

Dapli (Kinaray-a) → Sud-an (Hiligaynon)”

– Ruthcis